[PRESS RELEASE]
Dedikasyon at katatagang hindi matatawaran. Yan ang ipinamalas ng mga guro nang harapin nila at ng ating mga mag-aaral ang matinding hamon ng distance education.
Kahit mismong sila ay baguhan din at nangangapa, matapang pa rin nilang hinarap ang new modes of learning, para sa mga bata, para sa kinabukasan ng bansa.
Higit sa pagtuturo, marami pa silang pasan na responsibilidad at madalas ay abonado pa sa mga gastusin masigurado lang na ang bawat bata ay may matutunan.
Kaya hindi dapat natatapos sa mga salita ang pagpupugay sa kanila. Kalakip dapat nito ang suporta, benepisyo, proteksyon at allowances na dapat ay kanilang natatamasa. They deserve better. It’s time we pay up. Healthy at secure ang future ng bansa kung healthy at naaalagaan din ang kapakanan ng ating mga teachers.
As we celebrate World Teachers’ Day, I reaffirm my commitment to be an ally in making the lives of our teachers better so we can achieve not just a new, but a big and brighter new normal. Kaya para kay Ma’am, Sir, Miss, Teacher, paano man kayo tawagin sa loob ng classroom at Zoom rooms, happy teachers’ day! Maraming salamat sa inyong serbisyo, sa inyong paggabay at sa inyong pag-alalay sa ating mga mag-aaral araw-araw.
#####
Comments