PRESS RELEASE
November 19, 2021
I-test ang galing sa pagkilala ng fake news sa loob ng limang minuto
Naniniwala ang Commission on Elections na makakatulong ang bagong university-based online fake news quiz para maging makagawa ng mas maalam o informed decision ang mga botante sa darating na eleksyon.
Nitong Miyerkules, inilunsad ng Ateneo School of Government, sa pamamagitan ng Boses, Opinyon, Siyasat, at Siyensya para sa Pilipinas (BOSES Pilipinas) at PARTICIPATE, ang What the Fake?!: Ang Fake News Challenge ng Bayan- isang five-minute online quiz at survey na layong tulungan ang mga voting-age Filipinos na masukat ang kanilang kakayahan na makakilala ng fake news at real news.
“Because of this, we’ll be able to know the awareness of the youth towards fake news and how they respond to fake news… that would contribute to educating themselves to be properly informed and become intelligent voters come the 2022 elections” paliwanag ni Comelec Education and Information Department Director Atty. Elaiza Sabile-David sa online press conference.
Ang What the Fake?! ay ang kauna-unahang university-based misinformation diagnostic tool sa layong sumukat kung gaano kahina o kalakas ang mga botanteng Pilipino laban sa fake news. Binubuo ito ng 12 items – anim na real news items at anim na fake news items – na dapat sagutin ng mga respondents kung real o fake.
“The very heart of What the Fake?! is to help others fight misinformation and disinformation and at the same time, to prepare them for the 2022 elections by testing if their judgment in identifying fake news from real news is impaired or not. Masasagutan ang What the Fake?! sa loob lang ng humigit-kumulang limang minuto!” paliwanag ni BOSES Pilipinas convenor Imelda Deinla.
“Hindi lang limitado sa mga kabataan ang pwedeng sumagot ng web app na ito, kung hindi lahat ng mga kababayan natin na nasa tamang edad na para makaboto and at the same time, gustong suriin ang sarili nila kung gaano sila ka-vulnerable sa fake news,” dagdag pa niya.
Maaaring maaccess ang What the Fake?!online quiz sa www.inclusivedemocracy.ph/fakenewschallenge
MAS MULAT, MAS TAMANG PAGPILI
Ayon kay David, ang pagsagot sa What the Fake?! online quiz ay maaaring makatulong sa mga botante para maging mas mulat o malaman kung gaano nga ba sila karupok pagdating sa fake news.
Dagdag pa niya, matutulong din sila nito kung paano mas makakilala ng fake news, na maaari rin makatulong sa kanila para maging mas matalinong botante lalo na sa darating na eleksyon.
“Election season is also a fake news season. Kapag ikaw ay well-informed, magiging mapanuri ka and you can properly choose iyong candidates na gusto mong iboto. You dig deeper, hindi iyong nakikita mo lang sa social media. You research, kasi nga natuto ka na. You research kung may mga nakikita kang information about them that are conflicting. You cross-reference. You gather evidence,” paliwanag ni David.
Naniniwala si David na kung ang mga botante ay makakagawa ng informed decisions, talagang sasalamin ng darating na eleksyon ang boses ng Pilipino.
“More or less we are looking into an election na kung saan hopefully iyong results natin, iyon po talaga ang nagiging reflective of the will of the people, or the voice of the people. Hindi kung saan lang nanggaling iyong basis ng kanilang pagboto but because it is a result of proper research, assessment, involving critical thinking,” ani David.
Sa isang opinion editorial naman, ipinaliwanag ni Ateneo School of Government Dean Ronald Mendoza ang kahalagahan ng pagkakaroon ng misinformation diagnostic tool kagaya ng What The Fake?!. Aniya, malaking bahagi ang gagampanan ng mga online campaign platforms sa paghubog ng desisyon ng mga botante sa darating na eleksyon dahil na rin sa pandemya.
“Good quality information is critical to functioning democracies- it is particularly crucial to more informed voter choices. Yet we know that we live in a world racked with truth decay… It is difficult to make inroads against fake news if we have no measure,” sabi ni Mendoza.
MGA RESPONDENTS NA BOBOTO SA ELEKSYON, MAS NAKAKAKILALA NG FAKE NEWS
Maliban sa What the Fake?! news quiz, inilabas rin ng BOSES Pilipinas nitong Miyerkules ang resulta ng Pinoy Voters’ Vibe: Youth Edition surveys on fake news.
Mahigit dalawampung libong (20,000) estudyante na puwedeng bumoto sa susunod na halalan mula sa dalawampu’t limang (25) kolehiyo at unibersidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang lumahok sa second round ng Pinoy Voters’ Vibe: Youth Edition (PVV) surveys na isinagawa mula Agosto 23 hanggang Setyembre 24, 2021.
Ayon sa resulta, ang 72% na respondents na nagsabing boboto sila sa 2022 ang nagpakita ng pinakamahusay na na kakayahan na makakilala ng real news. Nakuha nila ang pinakamataas na average score na 7 out of 10 sa fake news quiz. Samantalang ang 1% o 215 na sumagot ng survey na nagsabing hindi sila boboto sa 2022 ay nakakuha lamang ng average score na 6.3.
“This means that those who are politically engaged – especially those intent on voting, would actively seek a variety of good information, and are therefore more likely seeking real news. However, those who are good at detecting fake news are not necessarily the ones very keen on voting,” paliwanag ni Dr. Deinla.
“This also means that seeing or seeking real news can stimulate political awareness and engagement. Detecting fake news by itself, has no effect on political engagement, unless this is accompanied by seeing real news,” dagdag pa niya.
Nakatakdang maglabas ng mas malalim na pag-aaral ang BOSES Pilipinas sa paksang ito sa susunod na taon.
QUICK LINKS:
Subukan mo na Fake News Challenge ng Bayan! Maaaring ma-access ang What The Fake: Ang Fake News Challenge ng Bayan sa pamamagitan ng link na ito: www.inclusivedemocracy.ph/fakenewschallenge.
Link to Filipino press release: https://www.inclusivedemocracy.ph/post/karamihan-sa-kabataang-respondents-may-average-skills-sa-pagkilala-ng-fake-news
Link to Pinoy Voters' Vibe: Youth Edition Round 02 Results Narrative: https://www.inclusivedemocracy.ph/post/pinoy-voters-vibe-youth-edition-round-02-results-narrative
Link to Fake News Susceptibility and Political Polarization of the Youth in the Philippines: https://go.ateneo.edu/PVV1-Paper
###
Boses, Opinyon, Siyasat, at Siyensya para sa Pilipinas (BOSES Pilipinas) is the first university-based opinion and survey research unit established in the Philippines that aims to advance empirical, interdisciplinary, and policy-oriented studies of public opinion on democracy, governance, and development. Composed of a multi-disciplinary team of experts from various universities and institutions, it aims to provide stronger evidence and information to secure the Filipino’s voice on significant public policy issues through innovative methodologies.
PARTICIPATE is a non-partisan, pro-democracy coalition dedicated to engage and empower the political participation of the Filipino people. It aims to strengthen citizen oversight of electoral processes, increase the availability and accessibility of information to promote informed voting, and support constituency-building for electoral reforms.
Comments